Skip to content

Paano Makakakuha ng Interested Prospects Online with Zero Rejection

  • by
Paano Makakakuha ng Interested Prospects Online with Zero Rejection

Kung sinasabi mo na wala kana ma-invite, wala sumasali, iniiwasan kana ng mga kakilala mo, itinatakwil kana ng pamilya mo, na-unfriend kana sa Facebook dahil sa kaka-invite mo sa kanila sa Networking at gusto mo na mag-QUIT?
No, No, No!
Don’t give up on your dreams.
Basahin mo itong blog post na ito baka ito ay para sayo. May choice kapa para maging successful sa Networking mo.

Paano Makakakuha ng Interested Prospects Online with Zero Rejection

Ang Networking business ay rejection business. Yan ang ating kadalasan na naririnig at wala naman mali duon at hindi ko rin sinasabi na tama yun sa lahat ng pagkakataon. Hayaan mo akong magpahayag ng mga rason kung bakit. Sa pagkatapos mo mabasa ang blog post na ito ay malalaman mo kung paano makakapag recruit na hindi mo hinahabol ang prospects mo. Sila mismo ang makakahanap sayo.

Naranasan mo naba na kulitin ang mga kaibigan mo, kapamilya, kakaklase at lahat ng “K” mo at pinagtawanan ka nung inivite mo sila sa Network Business mo? 

Kung OO ang sagot mo, very good! Atleast ma-appreciate mo ang post na ito. Atleast pwede magbago ang ikot ng prospecting world mo kung gagawin mo ito.

Hindi ko sinasabi sayo na ito na ang gawin mo at kalimutan kung anu man ang knowledge mo na natutunan for offline. Tingnan mo ito para may choice ka. In fact kung magaling kana at marami alam, advantage mo yun para dito.

Alin nga ba ang maganda, ONLINE or OFFLINE MARKETING?

Ang sagot ay wala sa systema, ngunit nasa sarili mo mismo. Nasa sayo kung paano ka gumalaw para sa Network mo. Kahit gaano paman kaganda ang system ngunit hindi mo naman binbuhos ang best effort mo, wala rin mangyayari sayo.

Ngunit aminin natin na marami ang pagbabago sa mundo at patuloy na maraming magandang tuklas sa ating panahon at minsan kung hindi ka makikisabay ay mapag-iiwanan ka. Tulad na lamang ng ONLINE Marketing. Nuong panahon ay wala pa naman ang ONLINE Marketing for Networkers. Ngunit ngayon, through social medias, laptop or cellphone plus internet connection ay makakapag recruit kana.

At Wag ka, ang daming ng Yumaman na mga ONLINERS. Nalalampasan pa nga nila ang income ng mga hindi nag-oonline.

At minsang sinabi ng pinaka-mayaman tao sa mundo na si Bill Gates na” If your business is not on the internet, then your business will be out of business”. Kung wala sa internet ang business mo ay pwedeng mawala sa serkulasyon ang business mo.

Effective parin ba ang Offline Marketing?

Yes naman. In fact kung magaling ka talaga, mas mabilis ang offline marketing in terms of an immediate result. Marami magagaling na Networkers na hindi naman nag oonline at lumipat sa ibang kumpanya ay yumayaman parin. Ibig sabihin nasa systema na nila ang epektibo na recruiting method offline.

Online Marketing Through Blogging. Paano ito?

Alamin muna natin ang statistics kung ilang bilyong tao ang internet users para naman masabi mo sa sarili mo, hindi lang pala yung mga kakilala mo ang pwede mo mapasali, kundi pati yung mga tao na pwede mo makilala or ikaw ay mahanap nila online.

Mas marami ang hindi mo kakilala kesa sa kakilala mo. Alam ko na alam mo rin yun.  At dahil dyan sinasabi ko rin na hinding-hindi ka mawawalan ng prospects kung alam mo lang ang iyong gagawin.

Internet users per country

data from wikepedia

Yan ang data kung saan nagpapakita kung gaano kadami ang tao na gumagamit ng internet. Wow, ang dami palang pwede ma invite 🙂 Pilipinas palang, 40 milyon na.
At sa ipapakita ko sayo through blogging, sila ang posibleng makahanap sayo. Hindi mo sila hahanapin. Sounds good? 😀


Minsan ba ay pumunta kana sa google para mag research?
Minsan ba ay nakagamit kana ng google?

I’m sure oo naman at maraming beses na.
What if yung mga interested prospects din ay pumupunta sa google para mag research ng mga OPPORTUNITY or mag research muna bago sumali. 

Ibig sabihin sila yung mga tao na dapat mo makausap kase sila na yung decided at naghahanap talaga ng paliwanag or opportunity.

Ngayon, paano mo sila mahahanap or paano mo sila makukuha kung sa google sila pumunta.
Walang iba paraan, unless meron ka website or blog at ipapakita yung ni google sa tao na yun kung meron kang content related sa hinahanap ng tao.

Anu naman kagandahan ng pag-blog?

Makaka-kuha ka ng prospects mula sa google. Prospects na naghahanap talaga n opportunity or karagdagang impormasyon na lamang bago sumali. Dapat may value or katuturan naman ang post mo. wag masyado halata na gusto mo lamang sila mapasali. Dapat magpahayag ka muna ng value parai-value ka rin nila.

Makaka kuha ka ng prospects mula sa Facebook. Maraming tao na hindi alam ang blogging ang magseshare ng blog post mo lalo na kung maganda ang content.  Diba sila ay may friends? What if ang topic mo ay “How to join AIM Global” at marami ang nag-share. Diba free advertising na yun kase meron at meron na tao na ineterested sa post mo. Kung may contact number ka dun, pwede sayo sya sumali lalo na kung wala naman sakanya nag-invite.

⇒ Hindi mo na kailangan mamilit or mangulit. Kusang darating sa blog mo ang mga taong tao na interested.

Paano ba mag Blog? Anu dapat ipost?

Yung  mga bagay na sa tingin mo maraming tao ang naghahanap ng impormasyon related sa business mo. AT wag mo kalilimutan ang value ng post mo. Pwede mag blog at mag copy paste sa ibang blog pero nasaan ang value mo kung wala ka originality. At isa pa, detected ng google kung kinopya mo lamang ang post mo sa iba at never makakatulong sa pagdami ng visitors mo. Baka ma ban kapa sa google search at ma-penalty. 

Pwede mo tingnan kung anu mga pinopost ko dito at kumuha ka ng ideya.

Sa kasalukuyan merong 1,500 page views ang aking website at 10 above ang inquiries na natatangap ko everyday in just 8 months. At sa patuloy na pag blog ko, patuloy yun na dumadami.

The future is really BIG!

Yun ay kung magiging consistent ka sa blogging.

Paano gumawa ng blog?

Punta ka dito  sa link kung saan ang aking tutorial ⇒ How To Create A Website ( Step by Step Guide ).

Need ng credit card sa pag gawa ng website or blog.
Kung wala ka credit card wala problema.
Meron na tinatawag na PAYMAYA from Smart.
Application na pwede mo i-download at loadan sa 7-eleven or ministop ⇒ Shop Online Using Paymaya From the Philippines: Easy!


Helpful links: